Local newsman sa Davao patay sa pamamaril

Share this information:

PATAY matapos pagbabarilin ang isang beteranong mamamahayag sa Davao del Sur nitong araw ng Sabado, Oktubre 30, 2021.

Orlando “Dondon” Dinoy

Dead on the spot bunsod ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na nakilalang si Orlando “Dondon” Dinoy, reporter ng local news publication na Newsline Philippines na nakabase sa Davao City at volunteer anchorman ng Energy FM sa Digos City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, binaril ng hindi pa tukoy na salarin si Dinoy sa loob ng kanyang nirerentahang apartment sa bayan ng Bansalan pasado alas 6 ng gabi.

Nauna rito, nasa kalagitnaan umano ng programa si Dinoy sa kanyang makeshift broadcast office sa apartment nito ng pasukin sya ng armadong lalaki at pagbabarilin ng malapitan.

Samantala, ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon hinggil sa paglikida kay Dinoy.

“Ipinapaabot ko ang taus-pusong pakikiramay sa mga naulila at kasamahan ni Orlando Dinoy at bilang aksyon ay inatasan ko na ang RD, PRO11 na tutukan ang kasong ito upang mapanagot kung sino man ang may gawa ng krimeng ito,” pahayag ni Eleazar.

Nangako rin ang PNP chief na poprotektahan ang lahat ng miyembro ng media mula sa anumang uri ng pag-atake at pang-aabuso kaya’t hinihikayat niya ang mga ito na agad na magsumbong sa mga awtoridad kung nakatatanggap sila ng pagbabanta.

Aniya, “Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang inyong PNP sa Presidential Task Force on Media Security hindi lamang para sa kasong ito kundi pati na rin ang lahat ng kaso na may kaugnayan sa harassment at pagpaslang sa ating mga kasamahan sa media,”

“Bilang isang demokrasyang bansa, hindi katanggap-tanggap ang mga ganitong uri ng karahasan dahil maliwanag na ito ay pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag na ginagarantiya sa ating Saligang Batas,” giit pa ni Eleazar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PNP to help in info drive for NG's ramped-up vaccination program

Sun Oct 31 , 2021
THE Philippine National Police (PNP) police offices and units around the country were directed to help local government units (LGUs) convince their citizens to get the COVID-19 jabs. According to PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar, the directive was issued as part of the police’s efforts to help in the […]
%d bloggers like this: