Liza Soberano, Catriona Gray binalaan ng AFP sa pagkampi sa mga militante

Share this information:

NAGBABALA ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict laban sa pagkiling ng aktres na si Liza Soberano sa mga militanteng grupo.

Kasunod ito ng naging paglahok ni Soberano sa online women’s rights talk ng Gabriela.

Sa isang kalatas, sinabi ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na bagaman hindi pa kasapi ng New People’s Army ang aktres ay dapat dumistanya na ito sa grupo.

Kung magpapatuloy aniya ang ugnayan ni Soberano sa Gabriela ay posibleng matulad ito sa sinapit ni Josephine Anne Lapira na dating Deputy Secretary General ng Gabriela Youth sa UP na nasawi nang maka-engkwentro ng militar, may tatlong aon na ang nakalipas.

“Let us not red-tag Liza Soberano. It’s not fair to her. She is merely supporting advocacy for women’s rights. She has to be protected in the exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet. So let’s help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women’s Party,” ayon kay Parlade.

“Liza Soberano, there’ s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women’s rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain EMIL,” dagdag nito.

Maliban kay Soberano, binalaan din ni Parlade si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Diin ni Parlade, makabubuting pag-isipan ni Gray ang mga desisyon at huwag sumunod sa yapak ni Ka Ella Colmenares na nagtatrabaho umano sa mga rebelde sa lalawigan ng Quezon.

Nabatid na si Gray ay maingay ilang isyu sa bansa at kritiko rin ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.

“The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this,” diin ni Parlade.

Hinimok din ng Malakanyang sina Soberano at Gray na pag-ingatan na mapagsamantalahan ng mga maka-kaliwang grupo habang nagtutulak ng kanilang adbokasiya para sa karapatan ng kababaihan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinag-iingatan lamang ng militar ang dalawang personalidad na magamit sila ng mga komunista.

“Naintindihan naman po ng Hukbong Sandatahan na sila’y nag-a-advocate ng karapatan ng kababaihan,” ani Roque.

“Pero siyempre, ingat din po, kasi… ang mga Maoist sa Pilipinas, kung may puwedeng pagsamantalahan, e pagsasamantalahan nila,” dagdag pa ng opisyal.

Angel Locsin, sumagot din

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay sinagot ng aktres na si Angel Locsin ang paratang ng militar sa kanyang kapatid na si Angela Colmenares na umano’y sumapi sa underground ng New People’s Army.

Sa family photo ni Locsin ay binati nito ang kapatid na si Angelo sa kanyang kaarawan.

“With our controversial sister na nasa underground daw sa Quezon,” saad ni Angel sa caption ng larawan nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.