NAGBABALA si Joint Task Force COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa mga tsuper ng public utility vehicles (PUVs) na makukumpiska ang kanilang lisensya kung hindi susunod sa isang metrong distansya ng mga pasahero.
Sinabi ni Eleazar na kapag nakumpiska ang lisensya ay may katumbas na multa at kailangang tubusin sa Land Transportation Office (LTO).
“Actually, for violations of drivers, inside the motor vehicles, what the Highway Patrol Group and our law enforcers are doing is to cite the drivers, confiscated ang licenses and then may corresponding multa yan at tutubusin nila sa LTO,” pahayag ni Eleazar sa isang panayam.
Ito ay bagamat hindi pa malinaw ang pinal na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naunang pinagdebatihan ng mga kasapi ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases kung babawasan o pananatilihin ang one-meter rule social distancing sa mga pampublikong transportasyon.
Kasabay nito, sinabi ni Eleazar na ipinatitiyak na sa kanilang police marshalls na nasusunod din ang minimum health protocols sa mga terminal ng PUV.
“Our chief PNP Camilo Pancratius Cascolan directed our unit commanders in the field to have these marshalls inside the vehicle so it is being led actually by the Highway Patrol Group but of course, all other police station nationwide are doing this particularly in Metro Manila,” dagdag pa ni Eleazar.
“So random lang kasi ginagawa natin because we cannot check all these vehicles but the point is if ever that there is violation na makikita ng law enforcers inside the vehicle and even ang sasakyan sa mga terminal, the drivers will be cited,” ayon pa sa heneral.