Lineman patay sa kuryente

Share this information:

NASAWI ang isang 21-anyos na lineman ng isang electric company matapos makuryente habang nagkukumpuni sa linya ng kuryente sa Malabon City.

Ayon kay Malabon City Police Station Deputy Chief Police Lt. Col. Rhoderick Juan, ang pagkamatay ni John Vincent Tan, lineman ng Rayvill Electric Construction Corporation ay iniulat sa pulisya nitong araw ng Lunes bagamat nangyari ang insidente noong Sabado, September 4, 2021 sa kahabaan ng Industrial St., Victoneta Avenue, Brgy. Potrero.

Batay sa imbestigasyon, kinukumpuni ng biktima ang isang bahagi ng linya ng kuryente dakong alas-5:20 ng hapon sa naturang lugar nang aksidente itong madikitan ng live wire.

Kaagad isinugod ni Alvin Arellano, foreman ng construction corporation ang biktima sa Our Lady of Fatima Medical Center subalit, idineklara itong dead on arrival.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.