Limang drug personalities, timbog sa P136k shabu sa Malabon, Navotas

KULUNGAN ang kababagsakan ng limang indibidwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-tres ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa C-4 Road, Brgy Taňong.

Agad dinamba ng mga operatiba si Remy Fernando alyas “Tikang,” 44 anyos, (Pusher/Listed) at Alvin Aguillon alyas “Amben,” 38 anyos, kapwa ng Brgy. Tanong matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer, kasama si Reynaldo Emor Jr. alyas “Jon-Jon,” 38 anyos ng Brgy. Tanza, Navotas City na nakuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 13 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P88,400 at marked money.

Sa Navotash naman ay nadakma din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy-bust operation dakong alas-11:40 ng gabi sa Bagong Silang St., Brgy. San Jose sina Amor Buenaventura alyas “Ching,” 42 anyos, bus conductor at Teofelo Capili Jr., alyas “Jun,” 48 anyos.

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P47,600 at P500 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.