Libreng almusal para sa malusog na pamayanan sa Taytay

SINIMULAN ng pamahalaang bayan ng Taytay ang kanilang “Community Breakfast Program” na naglalayong makapagtaguyod ng isang malusog na pamayanan, at bilang tugon na rin sa mga pag-aaral hinggil sa tamang nutrisyon.

Bilang panimula ng naturang programa, unang tinahak nina Konsehal Kyle Gacula ang dalawang komunidad sa Barangay Muzon, kung saan nagpamahagi ito ng libreng cheese-de-sal sa mga residente ng nasabing lugar.

Ang “cheese” o keso, ay isang mainam na pinagmumulan ng mga importanteng mineral tulad ng calcium, pati na ang fat at protina (protein). Mayroon din itong Vitamin A at B-12, kasama ang zinc, phosphorus, at riboflavin. 

Kasabay nito, sinuportahan din ng Taytay LGU ang mga maliliit na negosyanteng lubos na nakaramdam ng dagok bunsod ng pandemya – kabilang ang Sharon’s Pandesalan at Enteng’s Cheese-De-Sal na gumagawa ng mga kakaibang tinapay na niluto sa pugon kasabay ng palamang keso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.