Larawan ng batang nakangiti tangan ang birth certificate, patok sa social media

PATOK sa social media ang larawan ng batang si Angel matapos makamit ang inaasam-asam na birth certificate. 

Ito kasi ang requirement upang matupad ang pangarap niyang makapag-aral. 

Noong Oktubre ng nakaraang taon pa ito inasikaso para makuha, ngunit ngayon Setyembre 6 lang dumating. 

Nakuha niya ang birth certificate na ito dahil sa tulong ng Ice cream shop sa Quezon City na naging shelter na rin ngayong pandemya ng mga homeless. 

Kinupkop siya ng may-ari ng ice cream shop noong mapalayas sila sa dati nilang tinitirhan, at ito na rin ang tumulong upang makahanap ng trabaho ang kanyang ama. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.