Lalawigan ng Bataan, lumagda sa kasunduan para sa paggamit ng digital platform sa serbisyo publiko

Share this information:

NILAGDAAN kamakailan ng lalawigan ng Bataan ang isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang NChain, isang global leader sa blockchain technology upang magtayo ng digital platform para sa lalawigan.

Sa ginanap na Kapihan sa The Bunker, ipinaliwanag ni Governor Joet Garcia na ang layunin ng kasunduang ito ay upang mapabilis ang mga kasalukuyang sistema at proseso ng mga serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.

Ang MOU ay nilagdaan ni Governor Garcia at ng Chairman ng NChain AG na si Stefan Matthews para sa digitalization ng operation ng lalawigan.

Ang NChain ay magbibigay ng expert advice at blockchain-based solutions upang i-digitize ang mga serbisyo, produkto, at proseso ng lalawigan gamit ang kanilang robust intellectual property rights portfolio.

Sa pamamagitan ng BSV blockchain na pinapatakbo ng NChain, maaasahan ng Bataan ang isang efficient, secure, at transparent system sa pag-digitize ng iba’t-ibang ahensya ng estado, at magbibigay ng mas magandang serbisyo at produkto sa mga tao.

Ang roll-out ng teknolohiyang ito ay mangyayari sa darating na buwan habang nagtatrabaho ang pamahalaang pang-lalawigan at NChain upang maabot ang kanilang pangkalahatang layunin ng fully enabling blockchain technology in government services. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.