Breaking News

Share this information:

NASAWI ang isang lalaki na dalawang beses na nakulong dahil sa droga nang barilin ng rider sa harapan mismo ng kanyang tindahan habang nag-kunwaring bibili ng sigarilyo sa Bacoor City, Cavite Biyernes ng gabi.  

Kinilala ang napatay na si Ricardo Tipawan, nasa wastong edad ng 318 Zapote 1, Bacoor City, Cavite habang pinaghahanap ang suspek na si Rackman Rakim ng 220 Kablusan St., Brgy Zapote 2, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police Station, dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente kung saan bumili ng sigarilyo ang biktima sa tindahan ng biktima sa Brgy Zapote 1, Bacoor City, Cavite saka umupo ito sa kanyang motorsiklo na nakaparada sa harapan ng kanyang tindahan.

Pero tila may hinihintay ang suspek dahil bumili ulit siya  ng sigarilyo at muling umupo sa kanyang motorsiklo pero nang lumabas ang biktima, naglabas ito ng baril ang  suspek at pinaputukan ang huli na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.,

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay pero base sa record ng pulisya, dalawang beses na nakulong ang biktima dahil sa paglabag sa RA 9165.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: