Lalaki patay sa pamamaril sa Bataan

ISANG lalaki ang nasawi sa insidente ng pamamaril na naganap Biyernes ng gabi sa MAAP Road, Alas-asin, Mariveles, Bataan.

Ayon sa ulat ni Bataan Police Provincial Director Police Col. Romell Velasco, ang biktima ay kinilala bilang si Roy Salguero, nasa legal na edad, may asawa at nakatira sa naturang lugar.

Nabatid sa inisyal na ulat ng Mariveles Police na nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang tahanan nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng isang puting Toyota Corolla na may plate number TNX 745.

Pinagbabaril ng mga salarin ang biktima sabay takas dala ang nabanggit na getaway vehicle. 

Dinala ang biktima sa Mariveles District Hospital subalit idineklara itong dead on arrival. 

Narekober kinalaunan ng pulisya ang getaway vehicle hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo at kung sino ang responsable sa naturang krimen. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.