Lalaki na puno ng saksak sa katawan, natagpuang patay sa Malabon

crime scene do not cross

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki na puno ng mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan sa Malabon City.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang Community Tax Certificate bilang si Gemerson Purucan, 29 anyos, nasa 5’4″ ang taas, katamtaman ang katawan at residente ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon.

Batay sa ulat nina police investigators PSSgt. Ernie Baroy at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong alas 12:56 ng madaling araw nang makita ng mga residente sa Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ang walang buhay na katawan ng biktima.

Napansin ng mga ito na duguan at may sugat sa katawan ang biktima kaya’t kaagad nilang ipinaalam ang insidente sa barangay authorities at sa mga tauhan ng Sub-Station 4.

Lumabas sa visual inspection ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na rumesponde sa crime scene sa katawan ng nasawi, nagtamo ito ng ilang mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

          Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek sa krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.