PASOK din sa ipatutupad na travel ban ang mga Pilipino na galing India na pansamantalang hindi muna papapasukin sa bansa upang maiwasan na makalusot ang double mutant variant ng COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) spokesperson Ma. Rosario Vergeire, magsisimula ang travel ban ng 12:01 ng madaling araw ng Abril 29 hanggang Mayo 14.
Nakiisa na rin ang Pilipinas sa mga bansa na naunang nagpatupad ng travel ban sa India, na ngayon ay isa ng epicenter ng COVID-19 matapos makapagtala ng mahigit na 300,000 kaso kada araw.
“Napag-desisyunan that even our fellow Filipinos, hindi muna natin papapasukin for this temporary period,”This is just so that we can be able to ensure na ma-guard natin ‘yung borders natin,” ani Vergeire.
Ayon sa health experts, ang bagong variant na B. 1. 617 na binansagang “double mutant” ang dahilan ng pagsipa ng COVID-19 cases sa India. Ang naturang variant ay nakapasok na sa labing-pitong bansa.
Bureau of Immigration, handa na sa travel ban
Nakahanda na ang Bureau of Immigration (BI) para sa pagpapatupad ng travel restrictions para sa mga pasaherong magmumula ng India.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, natanggap na nila ang resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na nagbabawal sa pagpasok ng mga manlalakbay mula India o mga may travel history sa India sa loob ng 14 na araw bago ang kanilang pagdating simula bukas.
“We will implement this measure seen by the IATF as our response to the emerging situation in India,” ani Morente.
“The IATF deems that this proactive restriction must be put in place to slow down the surge in Covid-19 cases, stop further spread of variants, and allow the health system to prepare, essentially protecting more lives,” dagdag pa ni Morente.
Nilinaw naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na ang travel ban ay hindi ‘nationality-specific’ o hindi lang mga Indian national kundi nalalapat ito sa sinumang manlalakbay mula sa nasabing bansa.
“We are conducting 100% passport inspection to determine the travel history of an arriving person,” ayon kay Capulong.
“If we see that the traveler has been to India within the last 14 days, then he will be excluded and boarded on the next available flight back to his port of origin,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabi pa ni Capulong na hindi nila inaasahan ang mga papasok na pasahero mula India dahil malinaw na sinabi sa resolusyon ng IATF na ang mga airlines ay direktang hindi pinapayagang magsakay ng mga pasahero alinsunod sa travel retsrictions.
“Passengers already in transit who will arrive before April 29 may be allowed, but will be referred to the appropriate agencies for stricter quarantine and testing protocols, to be subjected to an absolute facility-based 14-day quarantine period,” paliwanag pa ni Capulong . (with reports from Joyce Fernan)

