Breaking News

Share this information:

INAASAHAN nang makalilikha ng volcanic sediment flows o lahar at maputik na streamflows sa mga ilog at drainage sa paligid ng Taal Volcano at Mount Pinatubo ang nararanasang malalakas na pag-ulan na dala ng bagyong Dante.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), posibleng dumaloy ang lahar sa mga malalaking ilog sa paligid ng mga nasabing bulkan kaya’t inalerto na ang mga residenteng malapit na mag-ingat at kung maaari ay umiwas muna sa lugar.

“Pinatubo lahars will likely be channel-confined and occur on the upper to the middle reaches of the Sto. Tomas-Marella and Bucao River systems,” ayon sa Phivolcs.

Ang lahar ay maaari rin umanong makaapekto sa mga komunidad sa San Marcelino, San Narciso, San Felipe, at Botolan sa Zambales. Ibinabala pa ng Phivolcs ang maputik na streamflow sa O’Donnel at Pasig-Potrero River systems na makaaapekto sa Tarlac at Pampanga.

Ang matagal at malakas ding pag-ulan ay maaaring makapagpadaloy ng putik mula sa bulkan sa Kanlurang bahagi ng Taal Lake sa Batangas na makaaapekto sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: