Breaking News

Share this information:

TATLO ang kumpirmadong nasawi habang isa ang nawawala sa gitna ng pananalasa ng bagyong Dante sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang isa sa mga nasawi ay ang isang taong gulang na lalaki na natabunan ng mga putik at debris sa Panoraon, Davao de Oro.

Isang 71-anyos na lalaki rin ang tinangay ng flashflood sa Malalag, Davao del Sur habang inaalam pa kung paanong namatay din sa bagyo ang 14-anyos na babaeng taga-Norala, South Cotabato.

Samantala, isang 55-anyos na lalaki ang nawawala naman sa bayan ng Norala at nagpapatuloy na ang search and rescue operations para sa biktima.

Iniulat din ng NDRRMC ang mga naitalang mga pagguho, pagbaha at flashfloods sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Soccsksargen Region.

Hindi bababa sa 2,642 residente o 566 pamilya ang apektado ng bagyo sa 18 barangays sa Davao at Soccsksargen regions.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: