Lagda na lang ni PRRD: CREATE Act, isasabatas na

Share this information:

LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang at ganap ng magiging batas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o ang CREAT act.

Ito ay matapos na tuluyang maratipikahan sa mababang kapulungan ng kongreso ang ‘reconciled version’ ng Create act kahapon.

Bago ito, inaprubahan ng bicameral conference committee ang napagkasunduang bersyon ng CREATE bill (House Bill 4157 at Senate Bill 1357), na dating tinatawag na Corporate Income Tax and Incentives Reform Act o CITIRA.

Ayon kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, nagkasundo rin ang Senado at Kamara na maratipikahan ang panukala.

Inaasahang mararatipikahan din ng Senado ang Create act sa anumang araw bago ito dalhin kay Pangulong Duterte para sa kanyang pag-pirma.

Ayon kay Salceda, layon ng panukala na pagbutihin ang incentives at tax regime para sa mga negosyo sa bansa na siyang “greatest economic reform” sa post-EDSA years, sunod sa itinutulak na economic Charter Change o Cha-Cha.

Bukod sa pagbangon ng ekonomiya, inaasahang magreresulta rin ito ng 1.8 milyong mga trabaho sa susunod na sampung taon.

At kung sasabayan pa ng economic amendments sa Saligang Batas, aabot sa 8.4 milyong trabaho ang malilikha at bababa ang rate ng kahirapan sa buhay ng Pilipino.

Dagdag ni Salceda, sa CREATE Act ay matutuldukan ang investor uncertainty sa fiscal regime ng ating bansa at higit sa lahat ay makakatulong ito sa bansa mula sa economic gap o naging epekto ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Biazon calls for review of child car seat law

Wed Feb 3 , 2021
WITH the suspension of the implementation of Republic Act (RA) No. 11229, or the Child Safety in Motor Vehicles Act, during the coronavirus disease pandemic, Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon is calling for a review of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of the law. Biazon, a member of the House […]

Follow Us

%d bloggers like this: