‘Kupit’ modus ng ilang tiwaling MMDA personnel nabuking sa loob ng ahensya

AGAD inaksyunan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes ang nabukong sindikato ng bawas-sweldo scheme sa loob ng naturang ahensya.

Isinailalim sa preventive suspension ang ilang empleyado ng MMDA kaugnay sa natuklasang ‘bawas-sweldo’ sa Payroll Division.

Natuklasan nitong nakaraang linggo na minamanipula ang computerized payroll system sa pamamagitan ng pagbawas ng maliit na halaga mula sa mga suweldo ng mga target na empleyado, at inilipat ang mga halagang iyon sa kanilang sariling 
mga account.

Dahil dito, mismong si Artes ang complainant, ang nagsampa ng reklamo.

Pinangunahan ni MMDA General Manager Procopio Lipana ang pag-aresto sa mga empleyadong sangkot umano, at nagsagawa ng inquest proceedings laban sa kanila.

Nabuko rin ang mas malalim na sabwatan, kasama ang diumano’y pagkakasangkot ng ibang mga empleyado kaya’t nagsasagawa na ng case build-up para sa non-bailable charges laban sa kanila, habang inilagay sila sa preventive suspension at ang kanilang mga computer ay kinumpiska para sa imbestigasyon.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang internal audit at pagsisiyasat sa nabukong modus sa loob mismo ng ahensya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.