INAASAHANG mailalabas na ang resulta ng ginawang imbestigasyon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kaugnay sa “false positive” COVID-19 test results ng isang chapter ng Philippine Red Cross (PRC).
Isinagawa ng RITM ang imbestigasyon sa pamamagitan ng highly technical processes at dumaan sa apat na phases, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Sa naunang ulat, 49 na hospital personnel ang nagpositibo sa COVID-19 swab tests na ginawa ng logistics at training center ng PRC sa Subic noong Setyembre 2020.
Nang sumailalim sa confirmatory test sa Medical City sa Clark, nalaman na mula sa 49 na health personnel ay lima lamang pala ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa panig ng PRC, sinabi nito na tinatanggap nila ang posibilidad ng false positive test results dahil wala namang perpektong COVID-19 test method.
(PHOTO CREDIT: ritm.gov.ph)