Breaking News

Share this information:

May krimen na  nangyari.

Ito ang siniguro ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin kaugnay sa ginagawang pagsusuri o autopsy sa bangkay ng flight attendant na si Cristine Dacera.

Ayon kay Lavin, mayroong magandang indikasyon na may nangyaring krimen sa pagkamatay ni Dacera  kung saan maaaring isa o higit pa ang gumawa nito.

Sa ginagawang imbestigasyon ng NBI, sinabi ni Lavin na mahigit na sa 50 percent ang kanilang pag-iimbestiga sa kaso sa kabila ng deklarasyon sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kung saan ang kaso ay maituturing na raw na “case solved.”

Sa ngayon, ayon kay Lavin ay wala pang classification ang NBI kung ang kaso ay solved o unresolved pa.

“Without commenting on another investigation, our investigation will be very legal, thorough forensic- and evidence-based  so we will have scientific pieces of evidence. It will be backed up by CCTV, digital pieces of evidence, electronic pieces of evidence. It will be backed up by, hopefully, a testimonial evidence,” pahayag pa ni Lavin sa interview ng media.

“We have also some psychological assessment going into their full range of forensic capabilities,” dagdag pa ni Lavin.

Hindi naman nagbigay ng time frame si Lavin sa ginagawang imbestigasyon ng NBI ngunit tiniyak nito na tatapusin ito ng legal at masusing imbestigasyon ng mga professional agents at forensic experts. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: