Kontrobersyal na albularyo na si Arturo Solon, patay sa pamamaril sa Cavite

Share this information:

Todas ang kontrobersyal na albularyo makaraang pagbabarilin sa bayan ng Naic sa Cavite.

Tinukoy ng pulisya ang biktima na si Arturo Solon, 40-anyos at residente ng Barangay Ibayo ng nabanggit na bayan.

Ayon sa paunang pagsisiyasat ng Naic Municipal Police Office, naglalakad si Solon patungo sa kanyang nakaparadang kotse sa Barangay Captain Nazareno nang lapitan ng isang lalaking nakasuot ng itim na sando at pulang sombrero.

Matapos na paputukan ng ilang beses ang biktima ay mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek lulan ng motorsiklo.

Patuloy nang isinasagawa ng pulisya ang dragnet operation sa lahat ng exit points sa lugar.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo ng krimen.

Si Solon ay una nang naaresto nuong Enero ng kasalukuyang taon dahil umano sa panghahalay at pangmomolestiya ng ilang pasyente nito.

Nakilala si Solon sa iba’t-ibang social media platforms dahil sa mga video nito na nagpapakitang nanggagamot ng mga umano’y kinukulam o sinasaniban ng ispiritu.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.