Kontrata para sa 2025 midterm election, ibinigay na ng Comelec sa Miru

NAKUHA ng Korean company na Miru System Co. Ltd. Inc. ang kontrata para sa gagamiting teknolohiya sa 2025 midterm elections.

Nagbaba ng unanimous decision ang Commission on Elections (Comelec) en banc na i-award sa kumpanya ng Miru ang kontrata batay sa rekomendasyon ng Technical Working Group at Bid and Awards Committee, ayon kay Comelec Charman George Garcia.

Nakapaloob sa naturang kontrata ang teknolohiya na gagamitin, pagsuplay ng 110,000 na mga makina, ballot boxes, printing of ballots, mga laptop at iba pa.

Limitado lamang ang naturang kontrata sa pagrenta ng Comelec sa mga teknolohiya at kagamitan ng Miru System.

Kasama rin sa kontrata ang Transparency Audit/Count (FASTrAC) para sa 2025 national and local elections.

Pinasalamatan naman ng Miru ang komisyon sa ibinigay na tiwala at tiniyak nito na susunod sila sa Terms of Reference kasabay ng paniniguro ng isang malinis at payapa na halalan sa 2025.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.