Foreman, dedo dahil sa pagsabog ng acetylene habang nagwe-welding sa Quiapo

Share this information:

ISANG foreman ng isang construction company ang namatay nang sumabog ang acetylene tank na kanyang ginagamit habang nagwe-welding sa Quiapo, Manila Miyerkules ng umaga.

Naitakbo pa sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktima na kinalala bilang si Emilio Esplago alyas “Bong” Foreman ng Alleway Construction sa kabila ng malalang sugat nito sa katawan.

Sa ulat ni Police Staff Sergeant Jeus Cris Jacalne ng Manila Police District (MPD) Homicide section, dakong alas-10:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa Estero De Quiapo na matatagpuan sa Arlegui St., Brgy 385, Quiapo, Manila kung saan nagwe-welding ang biktima. 

Dahil sa naganap na pagsabog, nasira din ang ilang ari-arian at kagamitan. Inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.