Konsehal “mastermind” sa paglikida kay Mayor Perez ng Los Baños arestado

Share this information:

NADAKIP na ng mga awtoridad ang sinasabing utak sa pagpaslang kay Los Baños City, Laguna Mayor Cesar Perez noong taong 2020.

Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 4A (CIDG-RFU4A), nasa kanilang kostudiya na ang prime suspect na si Norvin Tamisin, dating konsehal ng nasabing bayan.

Si Tamisin ay naaresto ng CIDG operatives sa Baguio City pasado alas 5 ng hapon ng Martes (Nobyembre 2, 2021).

Armado ng search warrant na ipinalabas ni Judge Rene Deveza Natividad, Assisting Judge ng RTC Branch 107, sinalakay ng CIDG ang pinagtataguan ni Tamisin sa Bareng Drive Bakakeng Sur, Barangay Bakakeng.

Napag alaman sa ulat na si Tamisin ay ika-anim na most wanted person sa buong Region 4A.

Matatandaan na noong Disyembre 3, 2020 nang pagbabarilin ng armadong lalaki si Perez habang ito ay naglalakad sa receiving area ng City Hall.

Dead on the spot ang naturang alkalde bunsod ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo.

Isa si Perez sa mga umanoy “narco politicians” na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2017.

Isa pang nagngangalang Glenn Arieta na umanoy kasabwat ni Tamisin ang kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOH records 1,766 new COVID-19 infections today

Thu Nov 4 , 2021
THE Department of Health (DOH) recorded, for the second straight day, new COVID-19 infections at only more than 1k with 1,766 cases, though slightly higher than yesterday’s eight-month-low 1,591 count, according to the DOH COVID-19 Case Bulletin issued today, November 4, 2021. This brings the total number of COVID-19 infections […]
%d bloggers like this: