Kirsten Danielle “Kisses” Delavin, determinado sa Miss Universe PH

KAHANGA-HANGA at bigay-todo na talaga ang ipinapakitang dedikasyon ni Miss Masbate, ang aktres na si Kirsten Danielle “Kisses” Tan Delavin sa kaniyang pag sali sa Miss Universe Philippines.

Bukod sa mga training nito bilang kandidata ng Binibining Pilipinas ay ang pagsusumikap din nitong mas matuto at ihanda ang kaniyang sarili sa mga challenges na ibinibigay sa kaniya bilang isang Miss Philippines candidate.

Tuluyan nang nagbago ang pagtingin sa kaniya ng mga fans, mula sa
isang “cute” na Kisses na PBB housemate patungo sa pagiging isang “Queen” Kirsten Delavin, dahil na rin sa malaking pagbabago ng pisikal nitong anyo.

Nakakabihag ng puso ang bawat tingin at awra na ibinibigay ni Kisses
simula pa lamang noong inilabas ang mga videos kung saan dito ipinapaalam sa masa na isang kandidata ang dalagang aktres sa Miss Philippines.

Hindi lamang ang kanyang angking ganda ang ipinakita ng aktres kundi ang kaniyang talino sa pagsasalita, at dito ay mas lalo pang hinangaan ng fans si Kisses.

Ngunit sa kabila ng magandang laban na ibinibigay ni Miss Masbate Kristen ay hindi pa rin maiiwasan ang mga netizens na nambabatikos sa kaniya.

Sa likod ng pambabatikos at paninira sa dalaga ay nagpapatuloy pa rin ito upang tuparin ang kaniyang pangarap.

Noong Setyembre 7 sa Empire’s Philippines’ YouTube Channel ay nakita ang video ni Kisses na nagpakita ng galing sa pagpapakilala sa Masbate.

Iba’t ibang tourist spots ang naibahagi ng aktres, tulad na lang ng dagat at simbahan. Nagpakitang gilas din ang dalaga ng galing niya sa pagsakay sa kabayo.

Taos puso at nakangiting ibinahagi ni Kirsten ang bawat lugar at mga magagandang bagay na makikita lamang sa kaniyang minamahal na bayan.

When you open the map of the  Philippines, right at the heart of the
Philippine archipelago is where you can find my hometown, Masbate. I’m
proud of this fact,
” ibinahagi niya sa video.

Dagdag pa nito ay kahit pa na 15 taon na siyang nakatira sa Masbate ay araw araw pa siyang namamangha sa kagandahan ng lugar.

Sa ipinapakita ng aktres ay mas humahanga at nag-uumapaw ang suporta
mula sa mga netizens at lalo na sa kniyang fans.

Mas dapat pang abangan ang magiging kapalaran ni Miss Masbate kasama
ang mga kandidata sa live coronation night na gaganapit sa Setyember 25, 2021.

(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.