Kelot, binoga sa Tondo

Share this information:

Bulagta ang isang lalaki nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa ilalim ng tulay sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Inilarawan ng pulisya ang nasawi na nasa pagitan ng edad na 20 hanggang 30 taong gulang, nakasuot ng gray na shorts at berdeng long sleeves shirt.

Sa ulat ng pulisya, sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa ilalim ng tulay sa Mel Lopez Blvd. sa Estero de Vitas sa Brgy. 128, Tondo.

Agad naman itong pinuntahan ng mga barangay tanod at  tumambad ang duguang biktima na nakahandusay sa gilid ng gutter ng estero. 

Tikom naman ang bibig ng mga residente sa lugar  kaya hindi pa batid ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Gayunman, may teorya na posibleng may kaugnayan sa ilegal na droga kaya itinumba ang biktima  na nagtamo ng tama ng bala sa sikmura mula sa mga  suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bagong AFP Chief, nangakong hindi magre-‘red tag’

Fri Feb 5 , 2021
NATUTO na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nakalipas na karanasan sa pag-red tag ng mga maling indibidwal. Kaya naman ang bagong Chief of Staff ng AFP na si General Cirilito Sobejana, nangako na tatalima sa humanitarian law at hindi mag aakusa ng walang sapat na ebidensya. […]

Follow Us

%d bloggers like this: