Bagong AFP Chief, nangakong hindi magre-‘red tag’

Share this information:

NATUTO na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nakalipas na karanasan sa pag-red tag ng mga maling indibidwal.

Kaya naman ang bagong Chief of Staff ng AFP na si General Cirilito Sobejana, nangako na tatalima sa humanitarian law at hindi mag aakusa ng walang sapat na ebidensya.

Pangako ni Sobejana, hindi na nila uulitin ang nakalipas na pagkakamali.

Mas magiging maingat anya ngayon ang AFP sa isyu ng red tagging kaya bago gumawa ng hakbang ay gagawa muna sila ng masusing deliberasyon.

Pagtitiyak pa ng heneral, sisikapin ng kanilang hanay na protektahan ang bansa at gampanang maigi ang kanilang mandato.

Matatandaan na umani ng batikos ang AFP partikular na sa mga estudyante dahil sa mali-maling red tagging. Nag akusa rin sila na pugad ng recruitment ng New People’s Army ang ilang unibersidad kabilang ang University of the Philippines (UP).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dep. Speaker Villanueva calls to respect the decision of Medical Frontliners on accepting COVID-19 vaccines coming this February

Fri Feb 5 , 2021
CIBAC Party-list Representative House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva asks the government not to force the so-called ‘Real-time heroes during this pandemic’ or the healthcare workers who will refuse to take COVID-19 vaccine. Around 60,000 nurses, doctors and medical personnel from 4 Metro Manila Hospitals are set to receive the […]

Follow Us

%d bloggers like this: