Kelot, arestado sa pamba-blackmail sa dating kasintahan

ARESTADO ang isang 20 anyos na lalaki dahil umano sa paggamit ng sex videos ng kanilang dating kasintahan upang i blackmail ito sa Cebu City.

Nahaharap sa anti-cybercrime law ang hindi na pinangalanang suspek matapos ipost sa social media sites ang kanilang sex video at larawan ng kanyang 19 taong gulang na ex-girlfriend.

Ayon kay Regional Anti-Cybercrime Unit-7 Chief Police Lt. Col. Artemio Ricabo, nahuli sa entrapment operation nitong Huwebes ng hapon sa isang bakeshop sa Barangay Tisa ang lalaki ilang sandali na makipag kita ang dating kasintahan nito sa isang mall.

Sinabi ni Ricabo na ginawa lamang anya ng suspek ang pag upload sa sex videos at mga larawan nila sa internet nang tanggihan ang alok nito na makipag balikan sa kanya ang babae.

Ilang beses umano na tinakot ng suspek ang kanyang dating kalaguyo na ipo post anya nito ang kanilang sex videos sa facebook kung hindi ito makikipagbalikan sa kanya.

“Gusto ng lalaki na bumalik ang babae sa kanilang relasyon dahil nga daw mahal na mahal nya ang dating karelasyon pero talagang matigas na sa sitwasyon ang biktima at ayaw na nitong bumalik sa kanya,” pahayag ni Ricabo.

“Ang ginawa ng babae para matigil na ng tuluyan ang ginagawang pang ba blackmail itong si lalaki ay nagsumbong na sa pulisya at yun nga nakuha na ng personnel natin,” dagdag pa ng opisyal.

Nabatid pa kay Ricabo na dahil sa labis na pananakit ng lalaki sa babae ang dahilan ng ginawa nitong pakikpaghiwalay sa una.

Kasong grave coercion at sa paglabag sa anti-violence against women and children ang kakaharapin ng suspek na nakapiit sa RACU-7 detention facility.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.