Katawan ng 8-taong gulang na batang babaeng biktima ng landslide, natagpuan na

Share this information:

NATAGPUAN na ang katawan ng isang walong taong gulang na batang babae na hinihinalang biktima ng pagguho ng lupa sa Barangay Tinaplan, Sindangan, Zamboanga del Norte, noong Enero 14, 2023.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), Enero 14 nang naganap ang landslide dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ang pagkakadiskubre sa bata ay agad ding ipinagbigay-alam sa kanyang pamilya na umaasang makikita ang katawan ng kanilang anak.

Binubuo ng Coast Guard K9 Team Dipolog, Coast Guard Special Operating Unit Zamboanga Del Norte, Philippine National Police-Sindangan, at Bureau of Fire Protection ang search and retrieval team.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.