Dalawang magka-angkas sa Tondo, patay matapos bumangga sa trailer truck

Share this information:

DEAD on the spot ang dalawang indibidwal na magka-angkas nang bumangga ang sinasakya nilang motorsiklo sa nakaparadang trailer truck sa Tondo, Maynila madaling araw ng Lunes. 

Sinasabing magkasintahan umano ang mga biktima na nakilala bilang sina Michael Santos, 22 anyos, binata, ng 816 Oroquieta Street, Sta. Cruz, Maynila at si Joanna Mae Fernandez, 19 anyos, dalaga, ng 1281 Int. 9, Tambunting St., Sta.Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, alas 3:50 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa eastbound lane ng Capulong Road sa tapat ng Meridian Trucking sa Tondo.

Sa kuha umano ng CCTV sa Barangay 151 Zone 13, nakita ang pagbangga ng dalawa sa hulihan ng trailer truck na nakaparada sa nasabing lugar.

Kapwa tumilapon ang dalawa dahil sa lakas ng impact na nagresulta ng agaran nilang pagkamatay.

Nabatid sa ulat ng pulisya na ang truck na may plakang NAW-9286 ay nakarehistro sa Meridian Shipping and Container Carrier Incorporated.

Hinihinalang nakainom ang rider mula sa kapistahan ng Sto. Niño de Tondo at hindi napansin ang nakaparadang truck.

Pansamantalang inilagak ang bangkay ng mga biktima sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at matukoy kung dapat managot ang may-ari ng sasakyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.