Breaking News

Share this information:

BUMABA sa 13-porsyento ang bahagi o share ng mga kasong naitatala sa National Capital Region (NCR) sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na nakikitaan ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR sa mga nakalipas na linggo.

Mas mababa na aniya ang 13-porsyento kumpara nuong kasagsagan ng surge na umaabot sa 30% hanggang 40% ang share ng NCR sa total ng COVID-19 cases sa bansa.

Samantala, sa ngayon ay umaabot naman sa 25% ang share ng Mindanao sa COVID-19 cases, 20-porsyento sa Visayas at 40% na natitirang bahagi ng Luzon.

Mahigpit pa ring tinututukan ng DOH ang patuloy na naitatalang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: