Kaso ng COVID-19 sa PH, mas tumaas pa at lalo pang tataas sa susunod na mga araw

LALO pang tumaas ang bilang ng kaso ng nakamamatay na sakit na COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala muli ng mahigit isang libong kaso ngayong Enero 26, 2021.

Batay sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH) 1,173 bagong kaso pa ang nadagdag dahilan para umabot na ito sa 516,166.

Ang recoveries naman ay umakyat na sa 475,423 dahil sa bagong 18 na gumaling sa sakit.

Habang ang mga nangamatay sa sakit ay nadagdagan naman ng 94 kaya umabot na rin ang COVID-19 deaths sa 10,386.

Ang aktibong kaso naman ay 30,357 kung saan ang mga pasyente ay patuloy a nagpapagaling sa mga treatment facility.

Nanguna naman ngayong araw ang Quezon City sa may mataas na naitalang kaso ng COVID-19 na may 84.

Ang Davao City naman ay may 67 kaso habang ang Cavite City ay mayroong 51.

Nakapagtala naman ng 47 ang Quezon City at 41 naman sa Rizal.

Ayon sa DOH, napatunayan nang epektibo ang wastong pagsusuot ng facemask,faceshield at social distancing kaya paghusayin at ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa minimum public health standards upang hindi na kumalat at tumaas ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa. (With reports from JONAH AURE)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.