Breaking News

Share this information:
MAGTATAYO ng karagdagang sub-station ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay La Paz, San Narciso, Zambales na humigit-kumulang 250 kilometro ang distansya sa Bajo de Masinloc na kilala ring Scarborough Shoal  upang lalong mapalakas ang maritime security at maritime safety sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa PCG, ito ay makaraaang pirmahan ng PCG Station Zambales at Barangay La Paz ang Memorandum of Agreement (MOA)noong ika-16 ng Hunyo 2021, para sa konstruksyon ng PCG Sub-Station San Narciso sa 100-square-meter lot ng lokal na pamahalaan.

Base sa MOA, pinahihintulutan ng Barangay La Paz ang PCG na gamitin ang loteng ito para sa pagpapatayo ng isang sub-station na magsisilbi ring billeting area ng mga PCG personnel.

Sa oras na masimulan ang operasyon ng PCG Sub-Station San Narciso, magiging mas maagap ang PCG sa pagbabantay sa seguridad at kaligtasan ng mga lokal na mangingisda ng Zambales.

Maaasahan din ang mas mabilis ang pagresponde sa anumang insidente sa karagatan ng San Narciso, gayong humigit-kumulang siyam na kilometro ang lawak ng baybay-dagat ng naturang munisipalidad.

Dagdag pa rito, matututukan din ang pagtataguyod ng marine environmental protection dahil ang San Narciso ay tahanan ng siyam na beach resort na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente at nagpapalakas sa lokal na turismo ng Zambales.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: