Karagdagang kaso ng mg variant, natukoy sa genome sequencing — DOH

Share this information:

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kaso ng variant sa mga sinuring sample ng Philippine Genome Center (PGC) .

Ayon sa Department of Health (DOH), PGC at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), may natukoy pang karagdagang 266 B.1.1.7 variant cases, 351 B.1.351 variant cases, at 25 P.3 variant cases. 

B.1.1.7 VARIANT CASES:

Sa karagdagang 266 B.1.1.7 variant cases, 11 kaso ang Returning Overseas Filipinos (ROFs), 188 ang local cases, at 67 cases ang kasalukuyang biniberipika kung local o ROF cases.

Base sa case line list, walong kaso ang namatay at 204 kaso ang nakarekober habang 54 kaso ang nananatiling active.

B.1.351 VARIANT CASES:

Mula sa nasabing bilang ng karagdagang B.1.351 variant cases, 15 kaso ang ROFs, 263 ang local cases, at 73 cases ang kasalukuyang biniberipika kung local o ROF case.

Base naman sa case line list, 54 kaso ang nananatiling active ,4 kaso ang namatay at 293 kaso ang nakarekober.

P.3 VARIANT CASES:

Sa 25 karagdagang P.3 variant cases, 2 ang ROFs, 21 ang local cases at 2 kaso ang biniberipika pa kung local o ROFs.

Isang kaso naman ang aktibo at 24 kaso ang nakarekober base sa case line list.

Inulit ng DOH, UP-PGC, and UP-NIH na ang P.3 variant ay hindi pa rin natutukoy na variant of concern (VOC) dahil  ang kasalukuyang data ay hindi sapat upang matukoy kung ang variant ay magkakaroon ng makabuluhang implikasyon sa kalusugan ng publiko.

Patuloy na iginiit ng DOH na ang mahigpit at pare-pareho na pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), dagdag suporta para sa National Vaccination Program at patuloy na pagpapatupad ng prevention, detection, isolation, treatment at  reintegration (PDITR) strategy ng local government units kasama ang pagpapataw ng agarang localized interventions (tulad ng mga granular lockdowns) ay susi pa rin upang mapagaan ang patuloy na bilang ng mga dumaraming kaso ng COVID-19.

(Photo credit: https://pgc.up.edu.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.