TULUYAN ng ipinagbabawal ng Bureau of Correction (BuCor) na makapasok o makabisita sa mga Person Deprived of Liberty’s (PDLs) ang tagapagsalita ng grupong Kapatid sa lahat ng Kampo ng BuCor.
Ito ang kinumpirma ng BuCor sa tila “persona-non-grata” policy laban kay Ms. Fides Lim, spokesperson ng Kapatid, dahil sa paulit ulit na umanong paglabag sa protocol at hindi magandang pag- uugali.
Inihayag ito ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kasunod ng Department of Justice (DOJ) budget hearing sa House of Representatives.
Nauna ng inalis pansamantala ang pagba-ban kay Lim na makapasok sa BuCor dahil sa kahilingan ni Party-list Rep. France Castro, subalit pauli ulit itong lumabag sa mga security measures.
Paglilinaw ni Catapang na ang paghihigpit na ipinataw kay Lim ay hindi laban sa Kapatid organization o lehitimong kasama ng samahan para suportahan ang mga PDL.
Dagdag pa ni Catapang ang ibang miyembro ng Kapatid na nagdadala ng pagkain sa mga PDLs ay naging maayos naman at wala naman aniyang naging problema.

