Kagandang Basura

Share this information:

AGAW-PANSIN sa bayan ng Binangonan sa lalawigan ng Rizal ang isang higanteng Christmas tree na tulong-tulong na ginawa ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang mga grupo.

Ordinaryong Christmas Tree ba, ‘ika n’yo? Kakaiba ito dahil ang angking kagandahan ng nasabing palamuti na karaniwan nang makikita sa maraming kabahayan tuwing nalalapit ang panahon ng Kapaskuhan ay dahil gawa ito mga bagay na maituturing nang basura.

Subalit bukod sa kagandahan ng Christmas Tree, ang isa pang maganda dito ay binuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga kababaihan, katuwang ang Department of Education (DepEd), mga non-government organizations (NGO), pribadong sektor at lokal na pamahalaan mula sa basurang nakalap sa lokalidad.

Sa temang “Resbakuna, Solusyon sa Coronavirus,” malaking bahagi ng nasabing higanteng Christmas tree ay mga takip mula sa botelya ng mga bakunang itinurok sa mga residente ng nasabing baybaying bayan. 

Sinasabing ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ay kulang kapag wala ang Christmas Tree, na siyang isa sa pinaka-payak ng simbolo ng panahong ito, simbolo din na kung saan ang bituing nasa tuktok nito ang siyang naging gabay ng Tatlong Pantas sa madilim na kawalan upang kanilang mahanap at makapagbigay-pugay sa Dakilang Mananakop na pinangalanang Hesus.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Comelec, tiniyak na aaksiyonan nito ang petisyon laban kay dating Sen. Marcos

Fri Nov 5 , 2021
TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na aaksiyonan nila ang petisyon na nagpapakansela sa kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos para sa pagka-pangulo para sa 2022 national elections. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ira-raffle ang mga petisyon sa susunod na linggo upang malaman kung aling dibisyon ang hahawak ng kaso. Kasunod nito […]
%d bloggers like this: