Navotas City, nagtakda ng Autosweep registration sa Nobyembre 29

Share this information:

SA kabila ng mga aberya sa Easytrip RFID system, nagtakda ang Navotas City government ng Autosweep registration bukas, November 29, 2020 mula 9 n.u. hanggang alas 5 n.h.

Katuwang ang San Miguel Corporation (SMC), ang lungsod ay tumatanggap ng 1,000 uri ng mga iba’t-ibang sasakyan para sa Autosweep RFID tagging.

Ang registration ay gaganapin sa Navotas Bus Terminal at ito ay gagawin ng “first come, first served” basis.

“Iniimbitahan po namin ang lahat ng mga motoristang Navoteño na samantalahin ang pagkakataong ito. Kunin ang inyong Autosweep RFID sticker bukas, araw ng Linggo at i-enjoy ang mga hassle-free na transaksiyon sa ating mga tollway,” ani Navotas Mayor Toby Tiangco.

Ang Autosweep RFID ay magagamit para sa cashless at contact-less toll payments para ng mga motorista na dumadaan sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway (SLEX), Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Para sa mga magpapa-rehistro, mag-download lamang at i-fill up ang Autosweep Subscription Form at ipasa sa itinalagang mga personnel sa venue. Dapat din sila magbayad ng P200 para sa paunang initial load.

Pinapayuhan din ang mga aplikante na magsuot pa din ng face mask at manatili sa loob ng kanilang sasakyan habang pinoproseso ang RFID installation, magdala ng tamang halaga para sa mga babayaran, at gumamit ng sariling panulat.

Pinaalalahanan din ni Mayor Tiangco ang publiko na sarado ang southbound lane ng C4 at R10 mula sa Navotas Bus Terminal hanggang Old Fishport Road sa itinakdang petsa mula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.

Mananati namang bukas ang northbound lane at gagawin pansamantalang two-way.

Nauna rito, ang pamahalaang lungsod, katuwang ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ay nakapagkabit ng Easytrip RFID stickers sa 481 na Class 1, 19 na Class 2, at limang Class 3 na mga sasakyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.