Breaking News

Share this information:

NANUMPA na rin bilang bagong miyembro ng partidong Aksyon Demokratiko ang dating pangalawang pangulo ng bansa at broadcast journalist na si “Kabayan” Noli de Castro.

Ang kanyang panunumpa ay pinangasiwaan ni Manila Mayor Francisco Domagoso na siyang presidente ng partido.

Si Domagoso ay tumatakbo naman bilang presidente sa 2022 elections.

Nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Harbor Garden Tent Sofitel si Castro, na magbabalik pulitika kung sana tatakbo ito bilang senador.

Ayon kay de Castro, naniniwala ito sa magagandang ginawa ni Mayor Domagoso sa lungsod.

Naniniwala rin ito na mas malaki ang kanyang maitutulong  sa mamamayang Filipino sakaling makabalik siya sa Senado kaysa sa pagiging brodkaster nito sa pamamagitan ng maipapasa nitong mga batas na kapaki-pakinabang sa mga tao.

Una nang nagpaalam sa kanyang programa si De Castro upang muling bumalik sa mundo ng pulitika.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: