Jap national nabiktima ng kanyang ka “date” na transgender sa hotel

HALOS nalimas ang cash ng isang Japanese national matapos bisitahin ng tatlong sinasabing bading sa tinuluyang silid nito sa isang hotel sa Barangay Tambo, Parañaque City, Miyerkules ng umaga.

Inireklamo ng biktimang si alyas “Urai”, 26 anyos, nanunuluyan sa Okada Hotel, ang mga suspek na sina alyas “Justine”, alyas “Riley”, at alyas “Kitty”.

Base sa imbestigasyon, alas 8:15 ng umaga nang mangyari ang insidente alas 8:15 ng umaga ng Abril 8 sa naturang hotel, sa Seaside Drive, Entertainment City.

Sa ulat, nakilala ng biktima sa isang Dating App ang suspek na si Riley at binisita agad siya sa loob ng unit na may kasama pang dalawang transgender din.

Hinubaran umano siya at pinilit sa oral sex at kasunod ng paniningil ng tig P20,000.00 dahil tatlo umano ang sangkot sa sex.

Tumanggi na magbayad ang dayuhan kaya nagalit umano ang mga suspek at tinadyakan siya at binantaan na papaluin ng mga baso at sa huli ay tinutukan ng stun gun.

Dahil sa takot ay pumayag siya na magbibigay ng bayad at nagkunwaring magtutungo muna sa isang ATM para mag-withdraw ,kaya sinamahan ng suspek na si Justine.

Lingid sa kaalaman ni Justine ay nagawang mag-type ng “Please Help Me” sa cellphone ng biktima sa receptionist na agad inalerto ang mga security officers ng hotel at isang Japanese interpreter.

Nang tunguhin ang silid ng biktima, hindi na dinatnan ang mga suspek na sina Riley at Kitty at ntuklasang hinalungkat ang bagahe at nawawala ang ¥200,000.00 at PhP9,000.00.

Hinuli naman si Justine na kasama pa ng biktima nang rumesponde ang mga security guard.

Inihahanda na ang mga reklamong isasampa laban kay Justine at sa nakakalaya pang mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.