Janitor, malubha matapos pagsasaksakin ng helper

Share this information:

NASA malubhang kalagayan ang isang janitor matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Gomer Damot, 32 anyos, ng 9-1 Espiritu St., Brgy. Tinajeros habang pinaghahanap naman ng pulisya upang maaresto ang suspek na si Jay-ar Ladia, 26 anyos, ng 9-2 Espiritu Street.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief Col. Albert Barot, kainuman ng biktima ang kanyang tiyuhin sa 9-1 Espiritu St. at matapos makaubos ng ilang bote ng alak dakong alas-9 ng gabi ay lumabas si Damot upang bumili pa nang makita niya ang suspek na umiinom din kasama ang kaibigan nito.

Tinanong ng suspek ang biktima “ano ang problema mo”? na sinagot naman niya ng “kung sasabihin ko ba sa iyo masosolusyonan mo”? na ikinagalit ni Ladia subalit inawat siya ng kanyang mga kaanak.

Gayunman, nang paalis na ang biktima matapos ang usapan ay naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng ilang saksak sa katawan ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman si Damot ng rumespondeng mga pulis sa naturang pagamutan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

New Palace chief legal counsel named

Tue Oct 19 , 2021
JESUS Melchor Quitain (right, in photo), a former undersecretary of the Office of the Special Assistant to the President, was named as the new chief presidential legal counsel, according to a top Malacañang official on Tuesday Quitain was formerly the city administrator of Davao City when President Rodrigo Duterte was […]
%d bloggers like this: