5 arestado sa buy bust sa Valenzuela

Share this information:

LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Dakong alas-8 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ng buy-bust operation sa No. 4316 L. Bernardino St. Brgy. Gen T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jody Hernandez alyas “Jo,” 48 anyos, at Julie Cabrales alyas “Joy,” 37 anyos.

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, P300 buy-bust money, P300 cash, 2 cellphones at pulang tube.

Nauna rito, bandang alas-4 ng hapon nang masakote din ng kabilang team ng SDEU si Adrian Marquez alyas “Mojak,” 22 anyos, matapos bentahan si PCpl. Dario Dehitta na nagpanggap na buyer ng P7,500 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Urrutia St. corner Karen Ave., St. Brgy. Gen T De Leon.

Ayon kay SDEU investigator PSSgt. Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, cellphone, pouch at motorsiklo.

Sa Brgy. Bagbaguin, natimbog din ng isa pang team ng SDEU si Henrieto Entienza alyas “Lupa,” 35 anyos, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu si PSSgt. Luis Alojacin na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Avocado Street dakong alas-10:30 ng umaga

Ayon kay PCpl. Christopher Quiao, nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang sa 5 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P34,000 ang halaga, buy-bust money, P200 cash at cellphone.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.