Isko kay Duterte: “Asan ang malasakit mo?”

Share this information:

HINDI na nakapagtimpi si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at pinaulanan ng batikos ang pambansang gobyerno dahil sa paggastos ng face shield sa halip na inilaan sa gamot para sa COVID-19 patient.

Ayon sa alkalde, nagkakandamatay na ang mga pasyente dahil sa kakulangan ng suplay ng tocilizumab at remdisivir kaya humihingi sila ng tulong dahilan kaya nasabi niya na ang mga naturang gamot ang bilhin sa halip na face shields.

*We are hoping sana na di nagtetengang kawali at wag na magisip ng kung anong salita. Patuloy kaming nananawagan, wag nyo nako isipin na mayor isipin niyo nalang akong mamamayan, taxpayer mamamayan ng bayang ito bumili po kayo ng Remdisivir, bumili po kayo ng Tocilizumab kayong mga nasa ahensya ng gobyerno” banat pa ni Yorme. 

“Mukhang you are living in Disneyland you are not living in reality. ” pahayag pa ni Yorme

Ang pagbuhos ng galit ni Yorme ay bunsod ng pagsagot sa kanyang panawagan kaya binuweltahan ng batikos ang taong nasa kapangyarihan.

Talaga palang ang pinaniniwalaan nyo na lang yung poon nyo, sarili nyo, may hangin kayo sa utak.

“Naglolobohan na yung utak niyo sa kapangyarihan. Kapit tuko kayo. Straight talk kayo ano ha mahal na Pangulo, mananawagan ka sa iyong pamahalaan ito ang kailangan namin what is politics there? “

“Sinasabi lang namin mga mamamayan, gamot po kailangan namin hindi face shield. Gamot.”

Nanawagan din si Yorme kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na walang malasakit sa taumbayan at tinawag nitong talipandas tutal aniya ay nangako naman ang pangulo sa taumbayan.

Kasabay nito, nagpasaring din ang alkalde sa administrasyon sa aniya’y pakikialam sa buhok ng may buhok, taba ng may taba at brief ng may brief.

Una nang binatikos ni pangulong duterte sa kanyang talk to the people buhok ni senador ping lacson, katabaan ni sen. richard gordon at brief ng isang alkalde sa metro manila.

Kasabay nito, sinabi ni Domagoso na magkikita pa sila sa finals o sa darating na Oktubre o bago mag Oktubre ng kanyang pinatututsadahan.

Nauna nang sinabi ng DOH na mahihirapan nang makakuha ng suplay ng tociluzumab ang gobyerno dahil sa kakulangan ng pandaigdigang suplay ngunit naghahanap na ng mga paraan o alternatibo ang gobyerno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.