Iskedyul ng pagbisita ng Mahal na Poong Nazareno sa iba’t-ibang lugar sa bansa, inilabas na

Share this information:

INILABAS na ng Minor Basilica ng Black Nazarene o Quiapo Church ang iskedyul ng pagbisita ng imahe sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa isang video message, sinabi ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar, na ang  “localized Traslacion” ay pinalawak upang maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ang imahe ng Itim na Nazareno ay bibisita sa sumusunod na mga lugar mula Disyembre 27, 2021 hanggang Enero 8, 2022:

  • Dec. 27 to 29, 2021: Atimonan Catholic Church, Atimonan, Quezon
  • Dec. 28 to 30, 2021: The Baguio Cathedral of Our Lady of the Atonement (Baguio Cathedral)
  • Dec. 29, 2021 hanggang Jan. 2, 2022: St. Ferdinand Cathedral, Lucena City
  • Dec. 30, 2021 hanggang  Jan. 2, 2022: Birhen ng Antipolo – Our Lady of Peace and Good Voyage (Antipolo Cathedral)
  • Dec. 31, 2021 hanggang Jan. 1, 2022: Caritas Manila
  • Jan. 1 – 2, 2022: Chapel of St. Lazarus (San Lazaro Hospital); at Shrine of Our Lady of Namacpacan, La Union
  • Jan. 2 – 3, 2022: National Capital Region Police Office; St. John the Evangelist Cathedral, Lingayen, Dagupan; Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit (San Pablo Cathedral); at San Roque Cathedral – Diocese of Kalookan
  • Jan. 3 – 4, 2022: Manila Public Information Office (Manila City Hall); St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral Cabanatuan City; Metropolitan Cathedral of San Sebastian – Archdiocese of Lipa; Novaliches Cathedral
  • Jan. 4 – 5, 2022: Greenbelt Chapel, Ayala Center; San Sebastian Cathedral Parish Tarlac, Poblacion, Tarlac City; the Roman Catholic Parish Church of Saint John the Baptist City of Calamba, Calamba City; and the Immaculate Conception Cathedral of Cubao
  • Jan. 5 – 6, 2022: Bureau of Fire Protection – main office; Katedral ni San Jose, Nueva Ecija; Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar (Imus Cathedral); and the Immaculate Conception Cathedral of Pasig
  • Jan. 6 – 7, 2022: DZRV 846 / Radyo Veritas 846; Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga; ang  Cathedral Parish of St. Andrew, Parañaque; at Manila Cathedral – Minor Basilica of the Immaculate Conception
  • Jan. 7 – 8, 2022: San Carlos Seminary – Archdiocese of Manila, Guadalupe, Makati; Malolos Cathedral – Immaculate Conception Parish Cathedral and Minor Basilica; and Baclaran Church – National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, Parañaque
  • Jan. 8, 2022: The Nazarene Catholic School, Hidalgo St., Quiapo, Manila

Nananatili namang suspendido ang tradisyon na Traslacion ng Black Nazarene mula Quirino Grandstand sa Rizal Park (Luneta) hanggang Quiapo Church sa  Quezon Boulevard, dahil sa banta pa rin ng Omicron variant ng COVID-19.

Hinimok naman ang mga deboto na nais magtungo sa Simbahan sa Enero 9 na siguruhing bakunado laban sa virus at sumunod sa safety health protocol.

If you are joining the festivities, you must be fully vaccinated and always bring your vaccination card or ID, keep wearing a face mask and face shield, and bring your own hand sanitizer,” sinabi naman Quiapo Church social communications ministry head, Fr. Danichi Hui sa hiwalay na abiso.

Tiniyak din ng basilica na tuloy-tuloy ang live streaming ng misa para sa mga deboto sa bahay na nais makibahagi sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Enero 2020 nang huling isagawa ang Traslacion bago magkaroon ng COVID-19 sa bansa kung saan inabot ng mahigit 16 oras ang prusisyon bago tuluyang nakapasok sa Simbahan ang andas ng Itim na Nazareno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Manila Zoo, Cebu Safari, magtutulungan para sa wildlife at animal medicine exchanges

Wed Dec 8 , 2021
SINIMULAN nang makipagsosyo ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa  Cebu Safari and Adventure Park para sa hinaharap na pagpapalitan ng wildlife at animal medicines. Inaasahang matatapos ang redevelopment at general renovation ng Manila Zoo para sa muling pagbubukas nito sa Pebrero 2022, ayon kay Manila Mayor Francisco Domagoso. Ang Cebu Safari and […]
%d bloggers like this: