Breaking News

Share this information:

PATAY ang isang 50 anyos na lalaki sa naganap na sunog  sa isang residential area sa Ermita, Maynila madaling araw ng Biyernes.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang biktima na si Jose Nonie Gregorio.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula ala-una ng madaling araw at tumagal ng tatlong oras.

Nabatid na nagsimula ang usok sa isang kuwarto sa ikalawang palapag  ng boarding house na pawang mga gawa sa light materials sa 443 Arquiza St., Ermita, Maynila.

Tinatayang aabot naman sa P60,000 ang halaga ng ari-arian ng tinupok ng apoy .

Inalaam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: