Breaking News

Share this information:

DISMAYADO ang sektor ng agrikultura  sa gobyerno dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nasosolusyunan ang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy sa mga pamilihan.

Sa isang media forum, sinabi ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) at  Pork Producers Federation of the Philippines Chairman Nicanor Briones na bigo ang gobyerno, partikular ang Department of Agriculture (DA), na tulungan ang maliliit na magbababoy.

Sinabi pa ni Briones na napako lamang ang pangako ng gobyerno na pababain ang presyo ng baboy gayundin ang patuloy at  malaking problema ng African Swine Fever (ASF) kung saan maging sa Leyte ay marami na ring tinatamaan ng peste sa baboy.

Aniya, marami nang magsasaka ang nakararanas ng gutom at hindi na kumikita dahil apektado ng smuggling at importasyon.

Sa ngayon aabot na sa 4.2 milyong pamilya ang nagugutom na batay sa survey ng SWS.

Kabilang na aniya ang mga magsasaka, magbababoy, maggugulay, isda at magmamanok sa milyon-milyong nagugutom.

Giit din ni Briones, nadenggoy lamang ng gobyerno ang mga konsyumer  dahil sa sinasabing  P50 hanggang 60 bilyong mase-save  kada taon dahil sa pangakong bababa ang presyo ng baboy  mula P380 hanggang P220 kada kilo.

Katunayan, ayon kay Briones, ang ayuda na P5,000 na  ipinangako ng DA sa mga magbababoy na naapektuhan ng ASF ay tinanggal na rin epektibo noong July 1.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: