Breaking News

Share this information:

NASA 16 pang bagong Delta o B.1.617.2 variant cases ang natukoy, kasama ang kauna-unahang local cases base sa pinakahuling genome sequencing report ng Philippine Genome Center (PGC).

Ayon sa Department of Health (DOH), lima sa 16 na kaso ay Returning Overseas Filipinos (ROFs). 

Isang kaso ang dumating sa Pilipinas mula United Kingdom noong Abril 26, 2021 at gumaling na matapos ang  14-day quarantine period. 

Ang dalawa pang kaso ay dumating sa bansa mula sa Qatar noong Hunyo 15, 2021 at nakarekober na rin ayon sa DOH .

Patuloy namang biniberipika  ang pagdating at quarantine status ng dalawa pang ROF cases.

Labing-isa ang na-classify bilang local cases kung saan anim na kaso ay mula sa Region 10 at bahagi ng may  malaking cluster ng kaso na may petsa ng onset sa pagitan ng Hunyo 23 hangang 28. Lahat ay na-tag na bilang  revovered.

Dalawang kaso naman ang natukoy sa  National Capital Region. Isang kaso ay na-tag na namatay matapos isugod sa emergency room ng ospital noong Hunyo 28.

Outpatient naman ang isang kaso na may onset date na Hunyo 23 na na-tag na ring gumaling.

Ang isa pang kaso ay outpatient din na may onset date na Hunyo 27 at na-tag nang revovered ang inisyal na nasuri sa National Capital Region ngunit may nakalagay na address na Region 3.

Lahat ng mga kasong ito ay walang nakitang koneksiyon sa isa’t-isa.

Natukoy naman ang dalawang huling kaso, sa Region 6 na kapwa ang onset date ay Mayo 27 at kapwa na ring gumaling.

Sa kasalukuyan ay mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang DOH sa Centers for Health Development at local government units upang masiguro  na lahat ng kaso ay tiyak na nate-trace  at napapangasiwaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: