Isa patay, dalawa nakatakas matapos mangholdap ng sibilyan

Share this information:

Patay ang isa habang  dalawang suspek  naman ang nakatakas matapos mang hold-up ng isang sibilyan sa Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City kahapon ng alas 3 ng madaling araw.

Dumulog sa Antipolo City Police Station ang biktimang si William Conde makaraan itong holdapin ng tatlong armadong kalalakihan na nakasakay sa isang motorsiklo sa Cogeo Gate 2, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City .

Agad na ikinasa ang dragnet operation ng pinagsamang operatiba ng Regional Mobile Police Battalion (RMFB), Regional Intelligence Division (RID), Regional Special Operations Unit (RSOU), Regional Intelligence Division 4-A Rizal at Highway Patrol Group Rizal kung saan bandang alas 3:55 ng  madaling araw, nasukol ang isa sa tatlong suspek sa Marcos Highway, Sitio Calumpang, Brgy. San Jose.

Ngunit nang komprontahin ay tumanggi ito at biglang bumunot ng baril sabay pinaputukan ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan ang katawan ng  suspek hanggang sa namatay ito.

Sa ngayon, pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawa pang nakatakas na suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.