Enero 23 ay special non-working holiday sa Bulacan

Share this information:

Bilang paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas na naganap sa simbahan ng Barasoain, Bulacan, idineklarang special non-working holiday ang Enero 23, 2021 sa lalawigan ng Bulacan.

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1077 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ideneklara ang nasabing araw upang bigyan ang mga Bulakenyo ng oportunidad na ipagdiwang at makiisa sa okasyon habang sinusunod pa rin ang pag-iingat tulad ng social distancing at iba pang health measures laban sa COVID-19.

Dahil limitado pa rin ang pagsasagawa ng malakihang pagtitipon dulot ng mga patakaran ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, magiging simple lamang ang isasagawang pagdiriwang. 

Pagtataas ng watawat ng Pilipinas, panunumpa at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo ang gaganapin lamang sa patio ng simbahan ng Barasoain kasama ang mga piling matataas na opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando.

Sentro ng nasabing pagdiriwang ang tema ngayong taon ang “Unang Republika Filipina: Batayan ng mga Mithiin para sa Bansa.”

Ang Unang Republika ng Pilipinas ay napasinaya noong Enero 23, 1899, o 122 taon na ang nakakaraan matapos ratipikahan ng Kongreso ng Malolos ang Saligang Batas ng 1899. 

Kakaiba ang selebrasyon ngayon hindi tulad ng mga nagdaang mga taon, dahil na din sa kinakaharap ngayon na health crisis ng buong mundo kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Isa patay, dalawa nakatakas matapos mangholdap ng sibilyan

Fri Jan 22 , 2021
Patay ang isa habang  dalawang suspek  naman ang nakatakas matapos mang hold-up ng isang sibilyan sa Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City kahapon ng alas 3 ng madaling araw. Dumulog sa Antipolo City Police Station ang biktimang si William Conde makaraan itong holdapin ng tatlong armadong kalalakihan na nakasakay […]

Follow Us

%d bloggers like this: