Isa patay, 3 sugatan matapos mabangga ng motorsiklo sa Laguna

Share this information:

Isang nagmamaneho ng motorsiklo ang aksidenteng nabangga ang apat na babae habang naglalakad ang mga ito sa Brgy. Canlalay, Binan City Laguna kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Binan City Police Lt . Col. Giovanni Martinez, natukoy ang suspek na si Armindo Gamboa y Evarola, 36 anyos, at residente ng Tierra Verde, Carmona, Cavite.

Ang biktimang namatay ay kinilalang si Jessica Rodriguez y Tarosa, 25 anyos, habang ang mga sugatang biktima naman ay nakilalang sina Rubegem Engco, 24 anyos, Angela Remoquillo y Belen, 19 anyos, at si Roselyn Yuzon y Guico, 24 anyos.

Ang mga biktima ay pawang mga residente ng Brgy. Canlalay, Binan City, Laguna.

Bandang alas 8:10 ng umaga ng magkayayaang maglakad ang magkakasamang biktima sa nabanggit na lugar.

Isang motorsiklo naman ang paparating patungo sa direksyon ng San Pedro City at pagsapit sa isang gasolinahan ay aksidenteng nabangga ng suspek ang apat na biktima.

Agad na dinala ng Binan Emergency Response Unit (BERU) ang tatlong sugatan samantalang si Rodriguez naman ay dinala sa Ospital ng Binan City ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nahaharap naman sa kasong Homicide at multiple physical injuries ang suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.