Baguio City hindi muna tatanggap ng mga turista mula sa NCR, Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite simula ngayong araw ng Lunes

Share this information:

INANUNSYO ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi muna tatanggapin sa Baguio City ang mga turista mula sa National Capital Region (NCR), Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite na nagsimula kahapon araw ng Lunes, Marso 22, 2021.

Alinsunod ito sa mas mahigpit na quarantine sa “NCR Plus” na naglilimita lang sa essential travelers.

Sa kanyang mensahe kahapon sa Baguio City Hall grounds, sinabi ni Magalong, na kahit pa malaki ang mawawala sa kanila dahil 70 percent ng tourist arrival nila ay galing sa NCR ay kailangang limitahan nila ang mobility o galawa ng mga tao sa lungsod.

Kasunod nito, sinabi naman ni Magalong na paiigtingin pa nila ang Covid 19 contact tracing sa mga komunidad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.