Interoperability testing ng RFID systems sa tollways sa Luzon, tatapusin sa Pebrero

Share this information:

TARGET na matapos hanggang sa katapusan ng Pebrero ang inter-opera-bility ng radio frequency identification (RFID) systems na ginagamit sa mga tollway sa Luzon.

Ayon kay Toll Regulatory Board spokesperson Julius Corpus, patuloy pang sinusubok o ang testing na mabasa ang Easytrip sa iba pang tollways.

Sa ngayon kasi ang Easytrip tag ay gumagana lamang sa mga pumapasok ng North Luzon Expressway (NLEx), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), Cavite Expressway (CAVITEx), C5 Southlink, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Maliban naman sa Skyway, South Luzon expressway (SLEx), STAR Tollway, Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX), nagagamit na ang Autosweep RFID stickers sa Easytrip tollways.

Kailangan lamang na i-rehistro ang Autosweep sticker sa Easytrip system upang mabasa ito.

Una na ring inianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade na posibleng sa darating na Hunyo ng kasalukuyang taon magagamit ang mga RFID sticker sa iba’t-ibang expressways sa Luzon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Export ng live hogs mula sa Cebu, bawal muna - LGU

Sun Jan 31 , 2021
SA loob ng anim na buwan simula bukas, Pebrero 1 ay mahigpit nang ipinagbabawal ang pagluluwas o pag-export ng buhay na mga baboy mula sa lalawigan ng Cebu. Kasunod ito ng nilagdaang Executive Order No. 8 ni Cebu Governor Gwen Garcia na nagpapairal ng export ban ng mga baboy na […]

Follow Us

%d bloggers like this: