Export ng live hogs mula sa Cebu, bawal muna – LGU

Share this information:

SA loob ng anim na buwan simula bukas, Pebrero 1 ay mahigpit nang ipinagbabawal ang pagluluwas o pag-export ng buhay na mga baboy mula sa lalawigan ng Cebu.

Kasunod ito ng nilagdaang Executive Order No. 8 ni Cebu Governor Gwen Garcia na nagpapairal ng export ban ng mga baboy na pinalaki sa mga babuyan at bakuran sa probinsiya.

Batay sa direktiba, layon ng paghihigpit o import ban na maprotektahan ang suplay ng baboy sa lalawigan ng Cebu dahil iniiwasan na magkaroon ng kakapusan na nagdudulot ng pagtataas ng presyo nito.

May mga lugar sa bansa na umano kasi ang nakararanas ng kakapusan ng suplay ng baboy dahil sa African swine fever (ASF) at kumukuha ng suplay sa Cebu na wala pang kaso ng ASF.

Tinukoy ng gobernadora na sa isang pulong sa Central Visayas Pork Producers Cooperative, ang lokal na suplay ng baboy para sa buwan ng Enero ay hindi sapat para matugunan ang 4,226 metriko toneladang demand ng lalawigan.

Pero nilinaw ni Garcia na ang pagluluwas ng pork by-products ay pinapayagan pa naman.

Tiniyak naman ng opisyal na babawiin ang export ban sa sandaling tumatag na ang presyo ng baboy.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Sara wants a little more push for her to run for president

Mon Feb 1 , 2021
PRESIDENTIAL daughter and Davao City Mayor Sara Duterte seemed open to the idea of running for president next year, but only if she gets a little more push. In a television interview, the young Duterte hinted on running for president in 2022 if the opposition would also support her candidacy […]

Follow Us

%d bloggers like this: